Shabu session ng mga preso talamak sa Bilibid

MANILA, Philippines - Isang asawa ng isa sa mga preso ng National Bilibid Prison sa Mun­tin­lupa ang nanana­ wagan sa Philippine Drug Enforcement Agency na aksyunan ang mga shabu session sa loob ng mga kubol sa NBP.

Nagagawa umano ng mga tinatawag na “runner” ng bawal na gamot na maglabas-masok sa NBP sa pakikipagsab­watan ng ilang jailguard na kumikita sa iligal na mga transaksyon sa droga sa loob ng pam­ban­­sang piitan.

“Talamak ang droga sa loob at may kinalaman dito ang mga uniporma­dong tao,” sabi ng natu­rang ginang sa kanyang sulat na pinadala sa PDEA.

Sinabi pa niya na maaaring walang nalala­man dito si NBP Chief Oscar Calderon pero nakakabatid sa proble­mang ito ang mga opisyal nito tulad ng jail supe­rintendent, officer-in-charge, commander at jailguards.

Ayon sa sulat, ang pot session ng mga preso ay ginaganap sa kanilang mga kubol kapag sarado na ang mga gate ng NBP at meron silang mga dalaw. Merong tao na nagsisilbing lookout habang nagdudurog sila.

Naitatago nila ang mga droga sa mga ki­same, dingding na la­wanit, rubberized bu­yons, kanilang mga pan­talon, tsineles, walis at kahit dust pan.

Sinabi pa ng ginang sa sulat niya kay PDEA Director General Dionisio Santiago na alam niya ang nagaga­nap sa loob ng NBP dahil asawa siya ng isang preso rito. Hindi niya ma­ilantad ang kan­yang pangalan sa confidential at personal na kadahi­lanan.

Ayon sa impormante, ang sinasabing kubol ay maliliit na silid sa loob ng selda na inookupahan ng mga preso na kayang magbayad ng mataas na presyo para komportable ang kanilang kinalalag­yan sa NBP.

Show comments