Nakipaglamay binoga, patay

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng LBC cargo for­warder ang napatay matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki, habang papa­uwi mula sa paglalamay sa isang patay, sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang matagpuan ang biktimang si alayas “Toto”, tinatayang 38-40 anyos, may taas na 5’3’’, at residente ng Block 15-B Seawall, Baseco Compound, Port Area, Myanila.

Nabatid na   dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang nakabulagtang katawan ng biktima sa Block 15, Seawall ng Pasig River, sakop ng Baseco Com­pound, Port Area.

Nauna rito, dakong alas-11:30 ng gabi ay magtungo ang biktima sa isang lama­yan ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Bandang alas-3 umano ng madaling-araw nang makarinig ng mga putok ang mga residente sa lugar  na hindi naman umano inalam kung may nagbarilan.

Kinabukasan na nang matagpuan ang biktima na patay at may mga tama ng bala sa katawan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo sa isina­gawang krimen. (Ludy Bermudo)


Show comments