1 patay, 7 pang pasahero sugatan: Jeepney sumalpok sa poste

MANILA, Philippines - Isang dalaga ang namatay habang pito pa ang sugatan matapos na sumalpok ang sina­­sakyan nilang pampa­saherong jeepney sa isang poste sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Anieta Salvador ng   Malipada St., Maligaya Park Subd., Novaliches, Quezon City na bina­wian ng buhay habang ginagamot sa East Ave­­­­nue Medical Center.

Dinala rin sa natu­rang ospital ang mga nasugatang pasahero.

Binabagtas ng jeep­ney na may rutang Pa­nay-Fairview ang Bris­tol St. sa Barangay Grea­ter Lagro sa natu­rang lunsod nang su­mul­pot ang isang kotse na ikinawalan naman ng kontrol ng una hang­gang sumalpok ito sa poste. (Ricky Tulipat)

Show comments