Utak sa Hayden-Katrina sex video, hanap pa rin ng NBI

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng Na­tional Bureau of Investiga­tion (NBI) kung sino ang “ano­nymous sender” na nagpadala sa pamama­gitan ng email ng sex video nina Dra. Hyden Kho at aktres na si Katrina Halili sa sinalakay nilang web­site na natukoy na unang nag-upload nito sa internet.

Ito ay kasunod nang gi­nawang pag­salakay kama­kalawa ng hapon ng mga ahente ng NBI sa isang bahay sa Cavite na sina­sabing nagsisilbing tang­ga­pan ng website na inis­yal na nag-upload ng Hayden-Katrina sex video.

Sa nasabing pagsala­kay ay naaresto din ng NBI ang mag-aamang main­tainer ng website na “fleshasiadaily.com,” na ki­nilalang sina Fidel Lazarte at mga anak na sina Jobert at Marvin.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon kamaka­lawa nang salakayin ng mga operatiba ng NBI-Anti-Fraud and Com­puter Crimes Division (AFCCD) ang na­sabing tahanan na matatagpuan sa Block 89, Topaz St., Zapote Dos, Bacoor, Cavite.

Ayon sa NBI, inamin umano ni Jobert na sa ka­nila ang website na nag-upload ng video subalit iti­nanggi nito na ang sex video ni Kho at Katrina at iba pang mga babae ang kanilang ini-upload kundi ang video lamang na nag­sasayaw ang dalawa sa tugtog ng “careles whisper”.

Ipinadala umano sa kanila sa pama­magitan ng email ng hindi nagpakila­lang sender ang video ng dalawa na nagsa­sayaw.

Sinabi ni AFCCD chief Assistant Regional Direc­tor (ARD)Vicente de Guz­man III, na una munang nag­sagawa sila ng tech­nical surveillance kaya natukoy ang kinaroroonan ng website na fleshasiadaily.com, na naglathala ng Careless Whisper, Beautiful Girl at Maricar Reyes.

Ayon kay Head Agent Palmer Mallari, executive officer ng grupo, natukla­san nila na may paruk­yanong umaabot sa isang milyon katao kada-araw ang nasabing website kayat posibleng sampahan umano nila ng kasong pornography ang tatlo dahil pinagkakakitaan nila ito kada araw.

Nilinaw pa nito na ma­aari ding maging testigo ang mag-ama kung maki­ki­pagtu­lungan sa isinasa­gawang imbesti­gasyon ng NBI at maging testigo din sa paghabol sa source ng naturang sex video. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments