Bus vs bus: 14 pasahero sugatan

MANILA, Philippines – Labing-apat katao ang nasugatan matapos na mag­banggaan ang dala­wang pampasaherong bus sa kahabaan ng Edsa par­tikular sa may Santolan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga biktima na pawang mga pasahero ng bus ay itinakbo sa East Avenue Medical Center (EAMC) matapos na mag­tamo ng mga galos, bukol at sugat sa kanilang mga ulo, mukha at katawan.

Ayon sa inisyal na ulat ng kagawaran, ang nag­sal­­pu­kang mga bus ay ang Kingsam (TWG-264) na mi­namaneho ng isang Jerry Corpuz at (TYK-488) na mi­­na­maneho ni Miguel Zebbaria.

Sinasabing pawang mga sakay ng naturang mga bus ang mga biktima at tinatahak ang North bound lane sa kahabaan ng Edsa parti­kular sa may gate 5 ng San­tolan ganap na alas-10:15 ng gabi nang mag­sal­pukan ang mga ito ma­tapos magitgitan. Dahil sa lakas ng pag­kakasalpok kapwa buma­landra ang mga bus sa gilid ng Edsa kung saan nag­kabasag-basag ang mga salamin ng kanilang mga sasakyan.

Ayon sa ilang pasa­hero, mabilis ang takbo ng kanilang sinasakyang bus kung kaya naman malakas din ang hampas ng ka­ni­lang katawan nang sila ay mabangga. Habang ang mga driver ng nagsal­pu­kang mga bus ay hawak na ng pamunuan ng Dis­trict Traffic Enforce­ment Unit para sa ka­ukulang im­bestigasyon. (Ricky Tulipat)


Show comments