MANILA, Philippines - Muli na namang tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kaninang hatinggabi.
Ayon kay Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) President Arnel Ty, P3 kada-kilo o P33 sa kada-11 kilogram tangke ang itinaas sa presyo ng naturang produkto.
Katwiran ni Ty, ikinasa nila ang nasabing pagtaas sa presyo ng LPG bunsod na rin ng pagtaas ng contract price nito sa pandaigdigang pamilihan. Nabatid na $90 kada-barrel ng LPG ang itinaas sa contract price nito sa world market.
Sinabi pa ni Ty na P5 kada-kilo sa lokal na pamilihan ang katumbas ng naturang pagtaas sa presyo ng LPG sa world market. Binanggit pa ni Ty na aasahan pa sa mga susunod na araw ang pagtaas pa ng presyo ng LPG bagama’t sa kabila ng hindi nila binigla o ginawang isang bagsakan ang pagpataw ng price increase sa naturang produkto.