Shabu queen ng Navotas timbog

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang sinasabing “shabu queen” sa Navotas matapos salakayin ang bahay nito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si   Mercy Labahata “alyas Bubble”, 31, ng Area 1, North Bay Boule­­vard South ng lungsod na ito.

Dakong alas-9 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang bahay ng suspek kung saan nakumpiskahan ito ng ilang piraso ng plastic sachet na nagla­­laman ng shabu ma­tapos makatanggap ng ulat ang pu­lisya tungkol sa talamak na ope­rasyon nito sa lugar. (Lordeth Bonilla)


Show comments