MANILA, Philippines – Malamang na abutin ng P44 ang itaas sa kada tangke ng LPG sa buwan ng Hulyo. Ito, ayon kay LPG Marketers Association Head Arnel Ty ay base na rin sa world contract price ng LPG na aabutin ng kabuuang P4 kada kilo.
“Yung presyo kahapon ng LPG sa world market umakyat ng $60 per metric ton or P3 sa ating local price. So kung ’yan ang magiging situation, maaring umabot sa P4/kilo ang itataas sa susunod na buwan,” pahayag ni Ty .
Sinabi ni Ty na ito ay nangangahulugan na ang magiging pinakamataas na price hike na LPG. Dinagdag ni Ty na ang forecast na ito ay kailangang paghandaan ng mga LPG users upang bago pa man magtaas ng halaga ay bumili na agad ang mga ito ng suplay. (Angie dela Cruz)