Mancao pinakakalaboso sa Manila City Jail

MANILA, Philippines - Isang mosyon ang ini­hain ng abogado ng mga akusado sa Dacer-Corbito double murder case na nag­­lalayong maisama sa kanyang mga kliyente sa Manila City Jail (MCJ) si dating police Senior Supt. Cesar Mancao na may special treatment sa National Bureau of Investi­gation (NBI).

Sa apat na pahinang mosyon ni Atty. Dante David sa sala ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Myra Garcia-Fer­nan­dez ng Branch 18, hini­ling niya na maipalipat sa MCJ si Mancao tulad ng ordinar­ yong bilanggo at mga akusado sa nasabing kaso.

Nabatid na si Atty. David ang legal counsel nina Ma­rino Soberano, Jose Esca­lante at Mauro Torres, na kabilang sa 21 suspek na nakabilanggo kaugnay sa pagdukot at pamamaslang sa dating publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Em­manuel Corbito noong Nob­yembre 2000.

Iginigiit ng abogado na ang kaniyang mga kliyente ay may 8 taon nang nagdu­rusa sa MCJ habang si Mancao umano ay mistu­lang nakadetine sa isang ‘five-star hotel’ na kumpleto sa pasilidad.

Ayon pa sa abogado, isang premature conclusion ang idinadahilan ni Mancao na banta sa kan­yang buhay na hindi pa napapa­tu­nayan sa isang pormal na pagdinig.

 Iginiit pa ni Atty. David na ang pagkos­tudiya ng NBI   kay Man­cao ay ma­ituturing na “pag -agaw” sa “power of supervision” ng hukuman para sa isang dete­ni­dong akusado.

Show comments