Matapos manood ng Hayden-Katrina sex video, mag-asawa pinilit makipag-orgy ang maid

MANILA, Philippines – Dumulog sa Manila Police District- Women and Children Concern Division ang isang 18-anyos na dalagang katulong mata­pos umano siyang puwer­sahin ng kanyang mga amo sa hindi ordinaryong pagtatalik o “threesome”, matapos mag-init sa pa­nonood ng kontrobersiyal na sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili, noong Hunyo 5, (Biyernes).

Sa reklamo ng bikti­mang itinago sa pa­nga­ lang “Cherry”, 18, tina­kot umano siya ng mag-asawang sina Que­zon Cunanan, 46 at Melva, 32. residente ng F. Cayco St., Sampaloc, Maynila kaya napilitan siyang makipag­talik ng sabayan sa loob ng kuwarto ng mga ito ma­tapos ang panonood nila ng mga sex video nina Kho at Halili.

Aniya, niyaya siya ng mag-asawa na manood ng nasabing video alas 12:00 ng madaling-araw noong Biyernes at nang mag-init umano ang mag-asawa ay niyaya siya na mag-sex trip sa loob ng kanilang silid at hindi na umano siya naka­palag.

Sa imbestigasyon ni MPD-WCCD chief, C/Insp. Anita Araullo, naga­nap ang insidente nang lasing umano ang tatlo kabilang ang complainant na pina­inom din ng mag-asawa ng alak.

Sa imbestigasyon, iti­nanggi ng mag-asawa na pinilit nila ang biktima, bag­kus ay gustong-gusto rin umano nito ang nangyari.

“Paninindigan namin na walang rape na nang­yari. Ginusto niya ang nang­yari sa amin hindi namin siya pinilit,”ayon kay Quezon.

Bukod sa mga paha­yag ng pagtanggi, isinu­mite din ng mga suspek ang tatlong sex video na kinunan nila sa pamama­gitan ng cellphone at may kopya umano sa kanilang USB, bilang patunay na walang pwersahang naga­nap at kusang bumigay ang biktima.

 “May dalawang video sa cellphone at isa naka-save sa USB at makikita n’yo doon na hindi siya pinilit at siya pa ang nasa ibabaw ko,” pahayag ni Quezon.

Depensa naman ni Melva, ang biktima pa uma­ no ang nakiusap sa kanila na gusto niyang mapanood ang kontro­bersiyal na sex video nina Halili kaya pinag­bigyan nila ito.

“Habang nagkuku­wen­tuhan kami nang pinapa­nood namin ‘yung video inalok ko siya kung gusto niya na mag-trip kami. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-tres (threesome) kami sabi niya sa akin okay lang sa kanya kaya nag-threesome kami,” pag-amin ni Melva sa im­bestigador.

Mariin ding pina­bula­anan ni Melva na ayaw ng biktima ga­yung ito pa umano ang nagtuturo kung paano ang gagawin nila na mistu­ lang director ng pelikula.

Kusa pang umamin si Melva na hindi lamang umano isang beses kungdi tatlong beses silang nag-sex trip sa loob ng kuwarto at gusto umano ito ng biktima habang natu­tulog ang apat na mga anak.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng  MPD-WCCD ang mag-asawa at inihahanda ang kasong rape laban sa kanila.

Show comments