Abogado inireklamo sa pambabatok sa babae

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na babae ang nagsampa ng reklamo laban sa isang abogado na nakikipaglaban sa pagpa­palayas sa oil depot sa Pandacan, Manila matapos umano siyang batukan nito nang paulit-ulit.

Kasong physical injury ang isinampa ni Amalia Sangkal, 40 ng No. 30 Harvard St. Cubao, Quezon City, laban kay Atty. Vladimir Cabigao sa tanggapan ng District Special Project Unit-Manila City Hall Police Office.

Batay sa record, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon noong Mayo 20 sa hallway sa harap ng Room 317 ng Manila City Hall.

Inakusahan ni Sangkal si Cabigao na paulit-ulit na pambabatok sa kanya kaya agad naman siyang humingi ng saklolo sa pulisya. Pinayuhan naman ng mga pulis si Sangkal na magtungo sa pinakamalapit na ospital upang makakuha ng medical certificate. (Doris Franche)

Show comments