MANILA, Philippines - Aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang na tupok nang masunog ang dalawang palapag ng isang tahanan sa isang ekslusibong subdibisyon sa lungsod ng Quezon kahapon ng tanghali bunga ng umano’y napabayaang kuryente, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Ayon sa ulat kay Sr. Supt. Pablito Cordeta, hepe ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, ang tinupok ng apoy ang tahanan ng isang Atty. Paterno Aquino sa 15 Grace Stone st., White Plains sa lungsod.
Sinasabing nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng kuwarto ng mga anak ng pamilya Aquino matapos na sumiklab ang ginagamit ng bentilador ng mga ito.
Nasunog naman ang isang tatlong-palapag na gusali na may grocery store, iba pang tindahan at tahanan na ikinaabo ng tinatayang P1milyong halaga ng ari-arian sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.
Gayunman, walang nasaktan sa sunog na tumupok sa naturang gusali sa 855 M Dela Fuentes st., Sampaloc na pag-aari umano ng isang Pacita Palma. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)