Bentahan ng 'Hayden-Katrina sex video', bahay-bahay na

MANILA, Philippines – Habang umiinit ang kontrobersiya kaugnay sa sex scandal nina Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili at sa sunud-sunod na raid sa mga bangketa na pinag­lalakuan ng mga pini­ratang DVDs/CDs, nga­yon bahay-bahay na ang bentahan ng kontro­bersiyal na sex video.

Ang bentahan ng ma­lalaswang pirated DVDs /CDs ay kinum­pirma ng mga nakabiling mga re­ sidente sa mga lung­sod ng Pasay, Ma­kati at Pa­rañaque na nagsa­bing kasama na sa im­ben­taryo ng mga nag-iikot at nagbebenta ang natu­rang sex scandal.

Batay sa pahayag ng mga residente, nabili nila sa harap mismo ng ka­nilang bahay ang kopya ng sex scandal nina Kho at Halili sa halagang P150 kada-kopya.

Maging sa bahagi ng Baclaran, Parañaque at kahabaan ng Taft Ave­nue, mula Baclaran hanggang Rotonda, ay nagkalat na ang mga nag-aalok ng naturang malaswang video bukod sa iba pang sex video na tila hindi napapansin ng awtoridad.

Upang hindi mabuko ang pagtitinda at pag-aalok ng video sa mga dumaraan, nag-uutos pa sa mga tinatawag na “runner” ang mga nag­lalako nito upang kunin sa tagong lugar ang kopya ng DVD na ka­nilang ibibigay sa nag­bayad na parukyano.

Sa Pasay, nakaku­kuha ng kopya ang ilan sa mga interesadong parukyano sa pama­magitan ng blue tooth sa cellphone sa hala­gang P50.00 kada-kopya nito. 


Show comments