Traffic signs ninanakaw

MANILA, Philippines - Pinaigting ngayon ng pamahalaang pang­lung­sod ng Navotas ang kam­panyan laban sa mga magnanakaw ng mga traffic signs, railings at mga traffic equipments dahil sa pagiging talamak nito.

Ito’y matapos na ma­karating kay Mayor Toby Tiangco ang na­kawan sa mga traffic signs at iba pang gamit pangtrapiko na ibini­benta umano sa mga junk shop.

Dahil dito, labis na apektabo ang sistema ng pamamahala sa daloy ng trapiko sa lunsod at madalas rin na dahilan ng aksidente ang kawalan ng mga traffic signs na paulit-ulit na ninanakaw ng mga kawatan.

Bukod sa pagkaka­kulong dahil sa kasong theft, pagmumultahin rin agad ng P2,500 ang sinu­mang madadakip o sinu­mang madidis­ku­breng bumibili ng mga traffic signs. (Danilo Garcia)

Show comments