Lolo sinalpok

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan ng lolong si Vicente A. Garavillas, 60, habang sugatan si Esperanza De Vera nang salpukin ng rumaragasang Honda CRV (XHL-919) dakong ala-1:45 ng madaling araw kahapon sa tapat ng isang gasolinahan sa Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City.

Sinasabing nag-aabang ng sasakyan ang mga biktima nang biglang sumulpot ang naturang sasakyan.

Posibleng lasing umano ang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente. (Ricky Tulipat)


Show comments