MANILA, Philippines – Pinawalang-bisa ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang isang ordinansa na pumapabor sa operasyon ng isang outlet para sa traditional at electronic bingo games sa lungsod.
Sa kanyang mensahe kay QC Vice Mayor Herbert Bautista at sa mga miyembro ng city council, sinabi ni Belmonte na kailangan niyang ibasura ang naturang ordinansa dahil sa ito ay illegal at hindi nito napapangalagaan ang social at moral welfare ng mga constituents.
“Bound by his oath to abide by the dictates of the law, the undersigned is compelled to disapprove the ordinance,” pahayag ni Belmonte.
Ang napawalang-bisang ordinansa ay ang naibigay na awtorisasyon sa Big-Time Gaming Corp. na mag-operate ng traditional at electronic Bingo games at iba pang uri ng bingo games sa lungsod.
Binigyang-diin ni Belmonte na ang naturang ordinansa ay imbalido dahilan sa ang Sangguniang Panlungsod ay wa lang kapangyarihan at walang awto ridad sa ilalim ng Local Govern ments Code (RA 7160) na magbigay ng awtorisasyon sa alinmang uri ng laro ng bingo sa lungsod.
Ang ordinansa din anya ay lumabag sa Article 195 ng Revised Penal Code na nagpaparusa sa nasasangkot sa anumang uri ng sugal. (Angie dela Cruz)