100 kalansay nasabat sa checkpoint

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Japanese national na nagtangkang magpuslit ng may 100 piraso ng ka­lansay ng umano’y kan­yang mga ninuno na hi­nukay pa mula sa Min­doro province matapos itong masabat sa isang checkpoint na isinagawa ng Manila Police District (MPD), sa Ermita May­nila kahapon.

Nai-turn-over na ng MPD sa kustodiya ni Japanese Consul Se­cond Secretary Kenichi Horii, ng Japan  Em­bassy, ang suspek na si Kazuya Tomita, pansa­mantalang nanunuluyan sa Mang­ gahan Resettle­ment, Magan V.S. Zam­bales.

Sa ulat ni Senior Insp. Rey Saclayan Cocson ng MPD-District Mobile Patrol Unit (DMPU), da­kong alas-3:35 nang ma­daling-araw kahapon, nang masabat nila sa isang checkpoint sa Burgos st., Finance Dr., Ermita, Maynila ang kulay silver na Mitsu­bishi Pajero (CSN- 102) na mi­namaneho ng sus­pek, kung saan naka­karga ang mga kalansay ng sinasabing mga na­sawi noon pang World War II.

Aminado umano ang suspek na may dala siyang mga buto at ka­lansay ng mga sunda­long Hapones na hinu­kay niya mula sa Mindoro matapos inspeksiyunin ng mga pulis ang likurang bahagi ng sasakyan. Dahil sa kabiguan na magprisinta ng doku­mento na pinahi­hintu­lutan ang pagkuha ng mga kalansay kung kaya agad itong inaresto.

Iginiit ng suspek na mga ninuno niya ang mga dalang kalansay at nais niyang iuwi sa Japan kahit man lamang mga buto o abo na kanilang pinahahalagahan.

Sinampahan ng mga kasong paglabag sa Sec. 12 ng PD no. 374 (The Cultural Properties Pre­servation and Protection Act) at Sec. 92 of P.D. no. 856 (Code of Sanitation) ang suspek.


Show comments