Lola pisak sa taxi

MANILA, Philippines - Pisak ang bungo ng isang lola makaraang araruhin ng taxi kahapon sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Labor Hospital ang bikti­mang si Primitiva Bayona, 76, biyuda at kasalukuyang nani­nirahan sa Blk.-25,lot-3 Pro­ject-4 sa nasabing siyudad.

Matapos dalhin sa natu­rang pagamutan ang biktima, sumuko naman sa mga awto­ridad ang suspek na si Edgar Reola, 39 , taxi driver at pan­sa­mantalang nanunuluyan sa Pasay City.

Base sa imbestigasyong isinagawa ni PO2 Renato Sunga ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) Traffic sector-3 na­ganap ang pangyayari ban­dang alas-6:45 ng umaga sa Katipunan Road malapit sa kanto ng P.Tuazon St., Proj. 4 ng nabanggit na lungsod.

Sinasabing minamaneho ng suspek ang Arandia Line Taxi (TYR-915) sa nasabing lugar nang biglang tumawid ang biktima galing sa island ng kalsada na may concrete barrier kaya nasalpok ito na   naging dahilan sa agarang ka­matayan ng biktima. (Angie dela Cruz)

Show comments