Vendor nakalimot mag-tagay pinatay

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa nakalimu­tang tagay isang 43-anyos na vendor ang napatay ng kan­yang kainuman sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Gre­gorio Mamaril,ng Laura St., Old Balara, ng nabanggit na lung­sod. Natukoy naman ang sus­pek sa alyas na “Mar” na nga­yon ay tinutugis na ng awtori­dad. Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi habang ma­sayang nag-iinuman ang bik­tima at suspect nang bigla na lamang magka­roon ng maini­tang pagtatalo makaraang ma­kalimutan ng una na tagayan ang huli. Nasa mainit na pagpa­palitan ng maanghang na salita ang da­lawa nang mag­bunot ng patalim ang suspek at undayan ng saksak ang biktima sa dib­dib. Matapos ang pana­naksak ay mabilis na tumakas ang sus­pek habang ang biktima naman ay isinugod ng ilang residente sa Malvar hospital kung saan ito idineklarang dead-on-arrival. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insi­dente. (Ricky Tulipat)


Show comments