Sakit tinapossa lubid

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 22 anyos na lalaki ang sarili nitong buhay upang tulu­yang makaiwas sa sakit nitong appendicitis kama­kalawa ng hapon sa Ca­loocan City.

Isinugod pa sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Clyde Louis Solis, residente ng William Shaw street, ng naturang lunsod ngunit hindi na rin ito naisalba ng mga mangga­gamot.

Dakong hapon nang madiskubre ng ama ng biktima na si Dionisio ang anak na nakabigti gamit ang isang nylon cord sa kanilang kusina. Agad nitong ibinaba ang anak at isinugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, sinabi ng mga kaanak ng biktima na matagal na itong may sakit sa puso at lumala pa nang malaman na may sakit rin siyang appendicitis. Magmula umano nito, tu­mindi lalo ang depresyon ng biktima at lalong naging malungkutin. (Danilo Garcia)

Show comments