MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na dalagitang itinago sa alyas na Lenny ng Taguig City ang ginahasa umano bago ninakawan ng cellphone ng isa niyang textmate sa loob ng isang motel sa Tayuman, Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng hapon.
Sinabi ni Lenny na kilala lang niya sa pangalang Alex ander ang suspek na residente umano ng Pasay City.
Sinabi ni Lenny na nagtagpo sila ni Alexander sa Pasay City bago sila namasyal at naglakad-lakad hanggang makarating sila sa Maynila.
Pagdating nila sa Tayuman ay ipinasok siya ng suspek sa isang motel doon at binantaan siyang papatayin kung papalag siya.
Nagawa umano ni Alexander na magahasa si Lenny bandang alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon nitong nagdaang Sabado.
Nang makaraos si Alexander, iniwan niya si Lenny sa motel at tinangay din ang cellphone na Nokia 5000 ng biktima.
Nagsumbong si Lenny sa kanyang ina nang makauwi siya sa kanilang bahay kinagabihan hanggang sa maghain sila ng reklamo sa Manila Police District. (Ludy Bermudo)