Truck driver todas sa helper

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na truck driver ang napatay ng kan­yang nakaalitang pahi­nante sa Parola Com­pound, Tondo, Maynila ka­makalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bo­ni­facio Hospital ang bikti­mang si Joey Ubon, ng Pier 18 Tondo,  Maynila bu­nga ng tinamong dalawang sak­sak sa katawan. Tinutugis naman ang tumakas na sus­pek na kilala lamang sa alyas na “Ago”, truck helper.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-7 ng gabi nang ma­­ganap ang insidente sa loob ng MICT Holding Area sa Parola Compound, Ton­do.

Nabatid na lasing ang suspek at inabutang nali­ligo ang truck driver na agad niyang ki­nom­pronta. Hindi naman ito pinatulan ng biktima na lalong ikinagalit ng suspect kung kaya nagbunot ng patalim ang huli at saka isinaksak sa una. (Ludy Bermudo)


Show comments