MANILA, Philippines - Mahigit 10,000 aso ang nabakunahan sa lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng kampanya nitong protektahan ang publiko laban sa mapanganib na canine virus.
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, patuloy na nagsa sagawa ang City Veterinary Office (CVO) ng pinalakas na anti-rabies vaccination campaign sa 188 barangay ng lungsod simula pa nitong Enero para makamit ang, “20,000 dogs by September 28” na target nito kasabay ng pagdaraos ng World Rabies Day.
Gayunpaman, nagsagawa rin ang CVO ng karagdagang pagbabakuna ng mga alagang hayop bilang bahagi ng programa nitong “Pet Mo, Labas Mo” o pet animal health management program nitong mga buwan ng Peb. para sa anibersaryo ng Caloocan at Marso, bilang paggunita sa Rabies Awareness Month.
Ang ibinibigay na serbisyong ito ng city government ay walang bayad sa kooperasyon ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture.