MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na binatilyo ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa umano’y pagka-desperado sa pag-ibig sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi na si Kim Yumol, estudyante, ng Block 9-10. Trinidad Village, Brgy. Talipapa sa lungsod.
Ayon sa ulat, si Yumol ay natagpuan na lamang na nakabitin ng kanilang katulong sa gawing itaas ng kanyang double deck na higaan gamit ang belt suspender ganap na alas-6:30 ng umaga
Ayon sa ulat, posibleng ginawa ni Yumol ang insidente habang mahimbing na natutulog ang kanyang kapamilya.
Sinasabing ang kawalan ng nagmamahal ang nagdulot sa biktima para maging desperado at nagtulak na rin para tapusin nito ang kanyang buhay.
Magkagayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima o kung may naganap na foul play. (Ricky Tulipat)