MANILA, Philippines - Nagtataka ang mga regional director ng Public Attorney’s Office (LTO) sa pagkwestyon ni Justice Secretary Raul Gonzales sa ginawang custodial investigation kamakailan ng kanilang hepe na si Atty. Percida Rueda- Acosta sa kaso ng brodkaster na si Ted Failon.
Sa isinagawang regional meeting ng PAO Central Office Quezon City, iginiit ng 16 na regional directors ng PAO na matagal nang umiiral ang pagiging autonomous at independent ng kanilang tanggapan batay na rin sa sinasaad ng Republic Act 9406. Nakapaloob anila sa batas na ito ang kanilang mandato na tumulong sa kahit na sinong taong iniimbestigahan ng pulisya para matiyak na napo-proteksyunan ang kanilang karapatang pantao lalo na ang mga hinuhuli nang walang warrant of arrest. Hindi anila tama na mag-komento si Secretary Gonzales na baliw si Atty. Acosta dahil mistulang sinabi na umano nito na ang buong PAO-NCR ay nasisiraan ng bait dahil lamang sa pagtulong at pag-asiste nila sa mga taong nangangailangan ng tulong. (Angie dela Cruz)