MANILA, Philippines - Isang agent ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP)ang nasawi matapos itong tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki na nagkunwaring pasahero habang nama masada ng tricycle ang una sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Maximo Simbala, 45, ng Phase 7B, Block 29, Package 6, Brgy. 176, Bagong Silang ng lungsod na ito.
Patuloy namang pinag hahanap ng pulisya ang mga tumakas na suspects.
Base sa inisyal na report, alas-5 ng umaga, nag-aabang ng pasahero ang biktima sa terminal ng tricycle sa Macopa Road, Malaria ng nabanggit na lungsod nang dumating ang mga suspek at luma pit sa kanya.
Inakala naman ni Simbala na mga pasahero kung kaya pumuwesto na siya sa kanyang tricycle subalit bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek bago tumakas.
Iniimbestigahan na ng mga pulis kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang dahilan ng nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)