MANILA, Philippines - Isang 53-anyos na katulong na si Ester Alvarez ng Pandan, Antique ang kasalukuyang nakakulong makaraang maaresto kahapon ng umaga dahil sa pagnanakaw umano niya sa pera at mga alahas ng amo niyang si Senior Inspector Marlon Almonquera, 42, ng Station Inspectorate Office ng Makati City Police at residente ng Kalayaan Village, Pasay City.
Nahaharap ngayon si Alvarez sa kasong theft makaraang tangayin nito ang mga salapi, old coins at alahas ng biktima na umaabot sa halagang P300,000. (Rose Tamayo-Tesoro)