MANILA, Philippines - Dalawang puganteng Kano na may kasong drug trafficking ang pinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Associate Commissioner Roy Almoro, nag- isyu ng summary deportation ang BI board of commissioner laban kay Rizal Balgos, 60; at Kevin Mitchel Gore, 40. Isinailalim na rin ang dalawa sa immigration blacklist upang hindi na muling makapasok sa PIlipinas .
Lumalabas sa rekord ng BI na si Balgos ay may kasong drug trafficking sa Hawaii, samantalang si Gore ay sangkot naman sa mulit-million dollar bank fraud.
Sinabi naman ni Atty. Floro Balato Jr. spokesman ng BI, si Gore ay pinapatapon palabas ng bansa noong Huwebes sa pamamagitan ng Continental Airlines patungong Guam kung saan ito susunduin ng US marshals patungong mainland US.
Itinuturing din na mga undocumented aliens ang dalawa matapos na kanselahin ng US government ang kanilang pasaporte. Nabatid na naaresto si Balgos ng BI noong Marso 6 sa kanyang bahay sa Bambang, Nueva Vizcaya, samantalang si Gore ay dinakip noong Feb.26, 2009 nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) matapos na manggaling sa Hongkong. (Gemma Amargo-Garcia)