MANILA, Philippines - Inaresto at ikinulong ng pulisya ang 39 anyos na si Victor Reyes ng 1st Street, Barangay Karuhatan, Valenzuela City dahil sa pagpapakita niya ng kanyang ari at tangkang panggagahasa umano niya sa 18 anyos na dalagang si Vilma Amazona ng Barangay Malinta ng naturang lunsod kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Amazona na naglalakad siya sa tapat ng bilyaran sa Barangay Karuhatan nang bigla siyang harangin ng suspek, inilabas ang ari nito at saka pinagtangkaan siyang halayin.
Nagpapalag ang biktima lalo na nang tangkain ng suspek na sirain ang kanyang damit kung saan nang makawala ay agad na nagsumbong siya sa mga barangay tanod na naging dahilan upang dakpin ang suspek. (Lordeth Bonilla)