Parking attendant natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na parking attendant ang natag­puang patay sa kalye ilang minuto matapos itong umalis ng kaniyang bahay upang pu­masok sa trabaho sa Tondo, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktimang si Jun Canete, may-asawa, parking attendant sa Luneta at residente ng 52 Purok 2, Isla Puting Bato, MICT North Habor, Tondo na nasawi sanhi ng mga saksak sa katawan.

Sa ulat ni Det. David Tua­zon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 4:20 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Access Road sa direksiyon ng Isla Puting Bato.

Sinabi ng pamilya ng biktima na nakabisikletang pumapasok ito dahil naka­talaga ito sa alas-5:00 ng umaga hang­gang alas-5:00 ng hapon sa Luneta.

Ayon naman sa ’di nag­pakilalang saksi, padaan din siya sa nasabing lugar nang nakita nito ang biktima na nakahandusay sa lugar da­hilan upang ipagbigay-alam ito sa pulisya. (Ludy Bermudo)

Show comments