Nakasagi, kinalmot

MANILA, Philippines - Matapos umiwas sa imburnal at aksidenteng makasagi ng ibang tao, isang dalaga ang pinag­ka­kalmot sa dibdib ng kapwa nito dalaga kama­kalawa ng gabi sa Valen­zuela City.

Malalalim na kalmot ang inabot ni Joan Cas­sidy, 18 ng Abulos Bukid, Gen. T. de Leon ng lung­sod na ito.

Nahaharap naman sa kasong physical injury si Sheryl Rose Mangra­bang, 18, at ka-lugar ng biktima.

Naglalakad ang bik­tima sa kahabaan ng Abalos Bukid nang iwa­ san nito ang isang imbur­nal na naging dahilan upang masagi ang nagla­lakad din na si Mang­rabang kasama ang dalawang kaibigan nito.

Dahil dito, nagalit ang suspek at pinagmumura ang biktima na naging dahilan ng isang pagta­talo hanggang sa sampa­lin ni Mangrabang si Cassidy.

Tinangkang lumaban ni Cassidy subalit pinag­kakalmot ito ni Mang­rabang hanggang sa ma­awat ang mga ito ng mga barangay tanod at dalhin sa presinto. (Lor­deth Bonilla)

Show comments