Bantay-bayan, 1 pa, tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Dalawang pinaniniwalaang “tulak” ng droga kabilang ang isang bantay-bayan ang nadakip ng operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (SAID-SOTF) sa isang anti-drug operation kamakalawa ng gabi sa Makati City. Kinilala ang mga suspek na sina Raymundo Sabagbag, 36; at Henry Mariano, 31, nakatira sa Dapitan St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa kanilang asset hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek. Da­kong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng anti-drug operation ang mga pulis sa nabanggit na lugar at dito nagresulta ang pagkaka­dakip sa mga suspek. Ang mga suspek ay nakakulong ngayon sa Makati City Police at inihahanda na ang kasong comprehensive dangerous drugs act of 2002 at (RA9165) laban sa kanila. (Lordeth Bonilla)

Show comments