Ex-OFW nagdilig, nadisgrasya

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang dating overseas Filipino worker nang mahulog ito mula sa bubong ng kani­lang bahay habang nagdidilig ng halaman kamakalawa ng hapon sa Pasay City. Bina­wian ng buhay habang nilala­patan ng lunas sa Manila Sanitarium Hospital bu­nga ng pagkakabasag ng bungo at mga bali sa katawan ang biktimang si Norlito Cuntapay, 79, bi­yudo, residente ng #182-A. Villaruel St., ng na­bang­git na lunsod. Ayon kay Susana Mercado, katu­long ng pamilya Cunta­pay, nakaugalian ng bik­tima na magdilig tuwing naiinitan ang mga hala­man na nakahilera sa bu­bungan ng bahay nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments