'Magpaliwanag ka!' - Lim

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim si 3rd District Councilor Letlet Zarcal na ipaliwanag ang pag­kakasangkot nito sa ordinansang nagbigay ng pitong taon pa sa Pan­­dacan oil depot upang manatili sa lung­sod hanggang 2013.

Ang paghamon ni Lim ay kasabay ng pag­dawit ni Zarcal sa pa­ngalan ng alkalde sa umano’y kontrobersiyal na draft ordinance.

Ayon kay Lim, si Zarcal ay isa sa mga principal authors ng City Ordinance 8119 noong Hunyo 16, 2006 o ang Manila Comprehensive Land Use Plan and Zo­ning Regulation of 2006 na inaprubahan naman ni dating Manila Mayor Lito Atienza. Dito, pina­payagan ang tatlong malaking kum­panya ng langis na magpatuloy ng kanilang operasyon sa Panda­can hanggang 2013.

Iginiit ni Zarcal na si Lim ang umano’y res­ponsable sa paghahain ng proposed ordinance ni 1st District Councilor Arlene Koa at sinasa­bing hawak umano ni Lim ang majority ng konseho.

Subalit ayon kay Lim, hiwalay ang kan­yang kapanyarihan sa City Council kung saan siya ay executive ha­bang legislative naman ang konseho. (Doris Franche)

Show comments