Binata dinampot

MANILA, Philippines - Isang matandang binata ang dinakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ito ng patalim sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Berino, 48, ng Navotas West ng lungsod. Bandang alas-11:00 ng gabi nagroronda ang mga pulis sa Davila St., Navotas West nang maispatan nila ang suspek na hawak-hawak ang isang patalim.

Agad na nilapitan ng mga pulis ang suspek na hindi na naga­wang makatakbo at dinala sa presinto. (Lordeth Bonilla)

Show comments