20 Manila konsehal kinasuhan

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng indirect con­tempt sa Korte Su­prema ang 20 konsehal ng Maynila dahil sa pagpa­patibay nila sa ordi­nan­sang magpapanatili sa oil depot sa Pandacan sa naturang lunsod.

Sa apat na pahinang mosyon ng Social Justice System, kinuwestiyon nito ang agarang pag-apruba sa resolusyon ni Councilor Arlene Koa samantalang noong Marso 5 lamang ito inihain at lumusot kama­ka­­lawa matapos ang ha­los limang oras na deli­berasyon.

Ayon kay Atty. Vlademir Cabigao, residente ng Pan­dacan, Maynila at abo­gado ng SJS, may naganap umanong pag-abuso sa panig ng mga konsehal nang palusutin nila ang ordinansa kahit meron nang desisyon ang Mataas na Hukuman na nagpapahinto sa operas­yon ng oil depot sa lunsod. (Doris Franche)

Show comments