Executive ng Rebisco, patay sa ambush

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang executive officer ng isang kompanya ng biscuit ng hindi pa nakikila­lang suspek kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Caloocan.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Carlo Es­mundo, 25, executive officer ng Rebisco Incorporated at residente ng Whisky St., Miranda Sub­di­vision, Llano ng lungsod na ito.

Nagsasagawa pa ng fol­low-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa naki­kilalang suspek.

Batay sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-11:10 ng gabi sa kaha­baan ng Llano Road ng na­banggit na lugar.

Minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Revo (XNX-258) at pagsapit ng naturang lugar ay pina­ ulanan na ito ng bala ng mga sus­pek.

Isinantabi naman ang anggulo ng holdap dahil hindi naman tinangay ng mga sus­pek ang perang dala ng bik­tima na nagkakahalaga ng P200,000 at mga gamit nito.

Patuloy naman ang isina­sagawang imbestigasyon sa kaso para mabatid ang tunay na motibo sa pamamaslang.

Show comments