PAO forensic expert ipinagtanggol ang QCPD-SOCO

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng foren­sic expert ng Public Attor­ney’s Office ang isinaga­wang “forensic autopsy” ng Quezon City Police Dis­trict-Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa mga napaslang na hinihi­na­lang karnaper na unang inihayag ng Commission on Human Rights na gawa-gawa lamang.

Sa pulong balitaan ka­hapon sa PAO Main Office sa East Avenue, Quezon City, sinabi ni Atty. Erwin Erfe, professor sa medi­sina sa Ateneo Law School at mi­yembro ng Interna­tional Academy of Legal Medi­cine, na walang kato­toha­nan ang akusasyon ng pri­ ba­dong pathologists ng CHR.

Sa naglabasang ulat, sinabi ng CHR na gawa-gawa lamang ang autopsy report na isinumite ng QCPD SOCO dahil sa hindi inalis ang mga la­mang-loob sa mga bang­kay at natim­bang pa ito kahit na hindi naialis sa katawan.

Ipinaliwanag ni Erfe na tinatanggal lamang ang mga lamang-loob sa ordi­nar­yong mga awtopsiya ngu­nit sa “forensic autop­sy”, kinakailangan umano na maging buo ito upang ma­determina ­ang pag­pasok ng bala sa katawan. Gina­gawa rin ito upang ma­­preserba ang mga ebi­den­sya. Hindi rin umano im­por­tante ang timbang ng mga “vital organ” dahil sa wala naman itong kinala­man sa sanhi ng pagka­matay ng isang biktima.                            

 “You do not throw away or mess up the evi­dence. You keep it intact,” ayon kay Erfe. “The threat to file ad­mi­­nistrative and criminal charges against the PNP medico-legal officers who performed the autopsy has no basis and just shows the embarrass­ing lack of ex­perience of their forensic ad­viser/s. I am forced to think that this is just their strategy to harass the PNP forensic experts and to divert the attention of the public away from their mis­guided and already losing cause”.

Iginiit naman ng QCPD Crime Laboratoy na ma­hig­pit nilang ipinapatupad ang pagiging patas sa lahat ng kanilang imbesti­gasyon bago dumating sa isang konklusyon. (Danilo Garcia)

Show comments