Kelot tiklo sa ham

MANILA, Philippines - Ipinakulong sa pulisya ang isang Romeo Torres, 48-anyos, nang mahuli siyang nandukot ng dalawang de-latang ham sa Easy Mart Gen. Merchandising sa Sumulong Highway, Barangay Sto. Niño, Marikina City kamakalawa ng hapon.

Nakita ng isang empleyado ng grocery na inipit ni Torres sa baywang nito ang dalawang lata ng DAK Chopped ham bago nagtangkang lumabas. (Ricky Tulipat)

Show comments