Niyakapbago hinoldap

MANILA, Philippines - Niyakap muna bago inagawan ng cellphone ng isang binata ang isang dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nadakip naman ang suspek na si Joseph Caya­way, 22, ng Phase-7, Ba­gong Silang ng nabang­git na lungsod.

Nabawi naman ang cellphone Nokia 1600 ng biktimang itinago sa pa­ngalang Thelma, 15,  ng natu­rang lugar.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, naglalakad ang bik­tima sa Phase 7, Bagong Silang nang lapitan ng suspek at yakapin.

Bago kumalas ang suspek ay inagaw nito ang cellphone ng biktima at mabilis na tumakas.

Nagsumbong naman sa mga barangay tanod ang biktima na naging da­hilan upang hanapin ang suspek at nang mada­kip ay nabawi ang cell­phone ni Thelma. (Lordeth Bonilla)

Show comments