Lola lasog sa 2 motorsiklo

MANILA, Philippines - Patay ang isang lola ma­tapos magkasunod na masagasaan ng dalawang motorsiklo habang tuma­tawid ang una sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Fa­tima Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at kata­wan si Vilma Nonato, 69, ng Del Monte Avenue, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod.

Kapwa sumuko naman sa mga pulis sina Marlon Dela Cruz, 31; at Reinero Ripay, 35, kapwa ng na­sabing lungsod matapos masagasaan ang biktima.

Batay sa ulat, alas-5:15 ng umaga nang tumawid ang biktima sa McArthur Highway kanto ng Del Mon­ te Avenue, Brgy. Potrero nang mabundol ng motor­siklong minamaneho ni Dela Cruz   at pagtilapon ng bik­tima ay nahagip naman ng motorsiklo ni Ripay ang matanda na lalong nagpa­lala sa pinsa­lang natamo nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments