Tanggapan ng DPWH nilooban

Nilooban ng mga hindi naki­kilalang suspects ang tang­gapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon sa Maynila.

Kahapon ng umaga nang pa­sukin ang tanggapan ni DPWH Sec. Hermogenes Eb­dane ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan. Sinabi ni Eb­dane na nawala ang ilan sa kan­yang mga folders na nagla­laman ng mga doku­mento at mga expired nang gamot.

Maliban sa opisina ni Eb­dane, pinasok din ang tangga­pan ni DPWH Undersecretary Bashir Rasuman kung saan nakuha mula dito ang kan­yang laptop computer.

Samantala, hindi pa naman tinukoy ni Ebdane kung ano ang nilalaman ng mga dokumen­tong nanakaw. Dahil dito kayat, inatasan na ni Ebdane ang security per­sonnel ng DPWH na mag­sagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente para ma­tukoy ang tunay na motibo ng pag­nanakaw. (Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo)

Show comments