Serye ng rollback sa petrolyo, nagsimula na

Sunud-sunod na nagpa­tupad ng price reduction sa pro­duktong petrolyo ang mga kompanya ng langis. Kahapon ng alas-6 ng umaga ay humabol na rin ang iba pang mga kom­ panya ng langis para sa unang serye ng rollback nga­yong buwan ng Marso.

Pinakahuling nagpatupad ng bawas presyo ang Petron Corp. at Total Philip­pines na nagbaba ng P1 sa kada-litro ng kanilang diesel at kero­sene, habang 50 sentimos naman sa bawat-litro ng ka­nilang gasolina.

Bukod dito nagpatupad na rin ang Petron at Shell ng P2 sa kada-kilong price reduction sa kanilang liquefied petro­leum gas (LPG).

Magugunitang una ng nag­patupad ng price rollback ang Pilipinas Shell at PTT Philip­pines dakong alas-12:01 ka­hapon ng madaling-araw sa mga kapareho ring produkto subalit inaasahang susunod na lamang mamayang hating­gabi ang iba pang mga kom­panya ng langis. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments