MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Mayor Alfredo Lim na magiging mahusay na negosyante ang mga estudyanteng magtatapos sa bagong tayong Ramon Magsaysay Enterprenuer Center sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Sa pagpapasinaya nito, sinabi ni Lim na dapat mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga kabataan dito upang sumibol ang magagaling na negosyante.
Kasama ni Lim sa nasabing okasyon ay sina PLM president Adel Tamano, dating Senator Jun Magsaysay at Manila’s tourism chief at head international relations protocol na si Baby Villegas.
Ang Ramon Magsaysay Entrepreneur Center ay ginawang training center ng mga estudyante para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na makapagsanay ng libre kung paano ang tamang pagnenegosyo. (Doris M. Franche)