Dalagita ni-rape ng textmate

Isang 16-anyos na graduating sa high school ang ginahasa umano ng kaniyang textmate ma­tapos ang pakikipag-”eye-ball’, sa Sampaloc, Manila, iniulat kahapon.

Arestado ang suspect na si Jim Siuason, alyas “Justin”, 24, may-asawa, vendor , ng Del Carmen St., Quiapo, Maynila na iti­nuro ng biktimang itinago sa pangalang “Char­maine”.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-5:00 kamaka­lawa ng hapon nang ma­ga­nap ang pangha­halay sa biktima sa bahay na malapit sa tirahan ng suspect, na matatagpuan sa 1769 Basilio St., Sam­paloc, Manila.

Nabatid na naging text­mate ng biktima ang suspect at niligawan siya sa pamamagitan lamang ng text messaging.

Kamakalawa, nagyaya umano ang mga kaibigan ng biktima na maglak­watsa o gumimik kaya naisip ng biktima na mag­tungo na lamang sa bahay ng isa pang kaibigan na lalaki, na nakilalang si “Richard”, sa Basilio St. , Sam­paloc.

Nang nasa bahay na ni Richard ay dumating din ang suspect na malapit doon nakatira at doon nag-inuman at nagkuwen­tuhan.

Nang makainom na ang biktima ay pumunta ito sa comfort room at sinun­dan umano ng suspect at hinila paakyat sa ika-3 pa­lapag ng nasabing tahanan.

Sa kabila umano ng pagpupumiglas ay nagawa siyang buhatin at ibalibag umano sa kama ng suspect sa ika-3 palapag, anang biktima. Nanlaban umano siya subalit sinun­tok umano siya sa tiyan ng suspect at hinubaran ng panty. May hawak din umanong kutsilyo ang suspect at sumunod na la­mang siya sa utos na hawakan ang ari ng suspect at ipasok sa kani­yang kaselanan.

Nang muli umano siyang pumalag ay si­nuntok siya muli sa tiyan hanggang sa mailugso na ang kaniyang puri at ti­nak­pan umano ng ma­higpit ang kaniyang bibig upang hindi marinig ang kaniyang pagsigaw ng mga kasamahang nasa ibaba.

Nang makaraos uma­no ang suspect ay umalis na ito kaya nagsumbong naman sa pulisya ang bik­tima kasama ang mga kaibigan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspect.

Show comments