Mister binoga, patay

Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang pinagka­ka­utangan ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Lambert Magdunog, 41, ng Concepcion St., Morning Breeze ng lungsod na ito.

Samantala, nagsa­sagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa naki­kilalang suspek.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Concepcion St.,nang babaan ng suspek sakay sa isang Toyota Corolla na may plakang TMW-890 at sinisingil ang una sa utang. Nauwi naman ito sa mainitang pagtatalo hang­gang sa binunot ng suspect ang dalang baril at saka ipinutok sa biktima bago mabilis na tumakas.

Patuloy na iniimbesti­gahan ng pulisya ang nabanggit na insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments