Pagbaha sa Valenzuela sosolusyunan

Upang mabigyan ng solusyon ang problema ng mga residente ng Valen­zuela City sa pag­baha tuwing magka­ka­roon ng malakas na pag­bu­hos ng ulan, naghain si Councilor at Liga ng mga Barangay-Valenzuela President Alvin Feliciano ng ordinansa na mag-aatas sa lahat ng may-ari ng fishpond na gumawa ng “earth dike” o pilapil sa kanilang mga palaisdaan.

Ayon kay Feliciano, isa sa mga nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig baha sa ilang lugar sa kanilang lungsod ay ang tumata­pong tubig mula sa mga pa­laisdaan sa tuwing mag­kakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Aniya, sa pamama­gitan ng “Earth Dike or Pilapil Ordinance”, mapi­pi­litan ang mga may-ari ng lahat ng palaisdaan sa buong lung­sod na lagyan ng pilapil ang kanilang mga fishpond upang ma­bawa­san ang pagbaha sa ilang lugar partikular na sa  malalapit sa Polo River. (Lordeth Bonilla)

Show comments