Kainan sinalakay

Isang maliit na restaurant o kainan sa 4th Avenue, Caloocan City ang sinalakay ng pulisya kahapon ng ma­daling-araw makaraang matuklasang isa itong front ng prostitusyon.

Dinakip din ng pulisya ang mga waitress at guest relation officer ng DDF Eatery na nasa panulukan ng Teo­doro at Del Mundo Streets sa 4th Avenue.

Ayon kay PO1 Felipe Woo, may-hawak ng kaso, ang pag­salakay ay ginawa dahil sa reklamong natanggap ng kanilang tanggapan mula sa 21 residente sa Brgy. 48, Zone 4, District II, na ginagawang front ng prostitution ang isang kainan sa kanilang lugar. (Ricky Tulipat)

Show comments