29 palaboy sinagip

Umaabot sa 29 na palaboy sa lansangan kabilang ang mga menor-de-edad at sex workers ang naisalba ng Social Service Department ng pamahalaang-lunsod at pulisya ng Quezon City.

Kabilang sa mga palaboy na ito ang mga kabataang nagbebenta ng aliw, rugby boys at mga menor-de-edad na pinagdadampot ng mga awtoridad sa EDSA, Cubao, Quezon Avenue at Timog Ave. sa naturang lunsod.

Agad ang mga itong naiturn over sa Department of Social Welfare and Development at saka dinala sa Jose Fabella rehabilitation center sa Mandaluyong City.

Napag-alaman na ang mga palaboy ay isasailalim sa rehabilitasyon at seminar para magbago ng landas .

Sinabi ni Quezon City Police District Director Gen. Magtanggol Gatdula na anumang oras ay nakahanda ang kanyang tanggapan sa tawag ng SSDD para isalba ang mga nasabing palaboy sa Lungsod Quezon. (Angie dela Cruz)

Show comments