Nabawi ng mga operatba ng National Bureau of Investigation ang isang 29-anyos na lalaking dinukot ng kasosyo ng kanyang kapatid sa negosyo bunga ng malaking pagkakautang habang arestado naman ang lima katao na kinabibilangan ng isang babaeng ‘utak’ umano sa pagdukot sa San Pablo City, Laguna, sa ulat kahapon.
Ang biktima ay kinilalang si Adjib Tiburon, 29, cellphone technician, ng Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila.
Nakapiit na sa NBI detention cell sa Maynila ang mga suspek na sina Sahara Muslimen, 30, sinasabing mastermind, tubong Marawi City, at residente ng Bgy Sto Cristo San Pablo City; Arig Mancao, 24, ng Coge, Gate II, Antipolo City; Malawani Junior, 30, ng Marquisa St., Magcaseville, Brgy Sto. Cristo, San Pablo City; Esmail Barambangan, 40, ng Lilod, Madaya, Marawi City at Rada Moda Muslimen, 42, ng Marquisa St., Magcaseville Bgy. Sto. Cristo, San Pablo City.
Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, lima pang sinasabing kasabwat ng grupo ang pinaghahanap ng NBI.